Hanapin ang Blog na Ito

Ikinakarga...

Biyernes, Hunyo 15, 2012

Panitikan, Akdang Tuluyan, at Akdang Patula

Filipino sa Ikatlong Taon

PANITIKAN- ay isang nakasulat na kasaysayan ng lumipas at kasalukuyang panahon na isinusulat ng makasining na pamamaraan, tungkol sa buhay ng tao, karanasan, pag-ibig, pananampalataya, tradisyon at iba pa.

URI NG PANITIKAN

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.


MGA AKDANG TULUYAN

1. NOBELA - isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.

2. MAIKLING- KWENTO - salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang pangyayari sa kakintalan.

3. DULA - itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.

4. ALAMAT - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. 

5. PABULA- mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay mga hayop. Ang la
yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at kilos.

6. ANEKDOTA - mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

7. SANAYSAY - ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.

8. TALAMBUHAY- isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

9. BALITA - isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga 
                     industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.

MGA AKDANG PATULA

APAT ( 4 ) NA URI NG TULA

1. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay  tulad ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga bayani.

    A. EPIKO - nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao na hindi kapani-paniwala at puno ng kababalaghan

       halimbawa: Indarapatra at Sulayman, Biag ni Lam-ang

    B. AWIT at KURIDO- tungkol sa mga paksang may kinalaman sa mga dugong bughaw na ang
         layunin  ay palaganapin ang Kristiyanismo na dala ng mga Kastila.
              
            halimbawa: Ibong Adarna 

    C. BALAD- tulang inaawit habang may nagsasayaw . Ginagawa ito noong matagal na panahon.

2. TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.

     A. AWITING BAYAN - awitin na inialay sa bayan.

                         halimbawa; Bayan Ko, Magkaisa, Bahay- Kubo

     B. SONETO - nagtataglay ng mga aral sa buhay. May labing - apat na taludtod. Ang nilalaman
 ay tungkol sa damdamin at kaisipan.

     C. ELEHIYA - tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.

     D. DALIT - ito ay tulang pagbibigay pugay sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
         - nagsisimula bilang awit tungkol sa relihiyon.

      E. PASTORAL- tula na tungkol sa buhay sa bukid.

      F. ODA- ito ay pagbibigay pugay sa nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

3. TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.

                   A. KOMEDYA -

                   B. MELODRAMA -

                   C. TRAHEDYA -

                   D. PARSA -

                   E. SAYNETE -


4. TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.

                   A. KARAGATAN -

                   B. DUPLO -

                   C. BALAGTASAN - 



17 komento:

  1. ano po ang pag kakaiba ng tuluyan at patula? :)

    TumugonBurahin
  2. ang tuluyan ay nagpapahayag gamit ang kaisipan samantalang ang patula ay nagpapahayag ng damdamin

    TumugonBurahin
  3. ganda dami ko nalaman :)))

    TumugonBurahin
  4. steven austin r moralesHunyo 18, 2013 nang 2:13 AM

    nakatulong sa assignment ko

    TumugonBurahin
  5. Thanks for the info's. Its getting easier for me do my assignments in just simple clicks. Thanks, again! ;*

    TumugonBurahin
  6. salamat sa mga info

    TumugonBurahin
  7. thanks for the info.! :)

    TumugonBurahin
  8. ano ang pinagkapareho ng tuluyan at patula

    TumugonBurahin
  9. Thank you.. =) Godbless.

    TumugonBurahin
  10. maraming salamat po, ito ay nakatulung sa akin

    TumugonBurahin
  11. whooo!! love it ,, tnx na ans, ako kanina sa assignment ko ,, hahaha

    TumugonBurahin