Hanapin ang Blog na Ito

Biyernes, Hunyo 15, 2012

Panitikan, Akdang Tuluyan, at Akdang Patula

Filipino sa Ikatlong Taon

PANITIKAN- ay isang nakasulat na kasaysayan ng lumipas at kasalukuyang panahon na isinusulat ng makasining na pamamaraan, tungkol sa buhay ng tao, karanasan, pag-ibig, pananampalataya, tradisyon at iba pa.

URI NG PANITIKAN

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.


MGA AKDANG TULUYAN

1. NOBELA - isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.

2. MAIKLING- KWENTO - salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang pangyayari sa kakintalan.

3. DULA - itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.

4. ALAMAT - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. 

5. PABULA- mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay mga hayop. Ang la
yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at kilos.

6. ANEKDOTA - mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

7. SANAYSAY - ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.

8. TALAMBUHAY- isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

9. BALITA - isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga 
                     industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.

MGA AKDANG PATULA

APAT ( 4 ) NA URI NG TULA

1. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay  tulad ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga bayani.

    A. EPIKO - nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao na hindi kapani-paniwala at puno ng kababalaghan

       halimbawa: Indarapatra at Sulayman, Biag ni Lam-ang

    B. AWIT at KURIDO- tungkol sa mga paksang may kinalaman sa mga dugong bughaw na ang
         layunin  ay palaganapin ang Kristiyanismo na dala ng mga Kastila.
              
            halimbawa: Ibong Adarna 

    C. BALAD- tulang inaawit habang may nagsasayaw . Ginagawa ito noong matagal na panahon.

2. TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.

     A. AWITING BAYAN - awitin na inialay sa bayan.

                         halimbawa; Bayan Ko, Magkaisa, Bahay- Kubo

     B. SONETO - nagtataglay ng mga aral sa buhay. May labing - apat na taludtod. Ang nilalaman
 ay tungkol sa damdamin at kaisipan.

     C. ELEHIYA - tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.

     D. DALIT - ito ay tulang pagbibigay pugay sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
         - nagsisimula bilang awit tungkol sa relihiyon.

      E. PASTORAL- tula na tungkol sa buhay sa bukid.

      F. ODA- ito ay pagbibigay pugay sa nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

3. TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.

                   A. KOMEDYA -

                   B. MELODRAMA -

                   C. TRAHEDYA -

                   D. PARSA -

                   E. SAYNETE -


4. TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.

                   A. KARAGATAN -

                   B. DUPLO -

                   C. BALAGTASAN - 



58 komento:

  1. ano po ang pag kakaiba ng tuluyan at patula? :)

    TumugonBurahin
  2. ang tuluyan ay nagpapahayag gamit ang kaisipan samantalang ang patula ay nagpapahayag ng damdamin

    TumugonBurahin
  3. ganda dami ko nalaman :)))

    TumugonBurahin
  4. ano po ang balad
    meron pa po ba? plz

    TumugonBurahin
  5. steven austin r moralesHunyo 18, 2013 nang 2:13 AM

    nakatulong sa assignment ko

    TumugonBurahin
  6. Thanks for the info's. Its getting easier for me do my assignments in just simple clicks. Thanks, again! ;*

    TumugonBurahin
  7. salamat sa mga info

    TumugonBurahin
  8. thanks for the info.! :)

    TumugonBurahin
  9. ano ang pinagkapareho ng tuluyan at patula

    TumugonBurahin
  10. Thank you.. =) Godbless.

    TumugonBurahin
  11. maraming salamat po, ito ay nakatulung sa akin

    TumugonBurahin
  12. whooo!! love it ,, tnx na ans, ako kanina sa assignment ko ,, hahaha

    TumugonBurahin
  13. anu-ano ang uri ng panitikan sa tuluyang anyo?

    TumugonBurahin
  14. salamat bhe <3

    TumugonBurahin
  15. ANSAKEEET SA MATA NG COLORS AT COMIC SANS! MY EYES ARE BLEEDING

    TumugonBurahin
  16. mga halimbawa po nang patula at tuluyan ano po yung mga yun?

    TumugonBurahin
  17. Nakatulong sa akin sa paggawa ng takdang aralin! Ipagpatuloy niyo pa dahil marami kayong natutulungang tao maraming salamat!

    TumugonBurahin
  18. thank you po talaga :)

    TumugonBurahin
  19. ang dami nyong alam

    TumugonBurahin
  20. ginawang chat box eh

    pati man lang kaadikan sa facebook naabot dito

    TumugonBurahin
  21. hahaha oo nga

    TumugonBurahin
  22. may assignment ako ganyan, nakatulong tnx

    TumugonBurahin
  23. Sana my tumulong sakin kailngan ko ng halimbawa ng tulang liriko tulang pasalaysay tulang pangtanghalan at patnigan na may sukat na 12 add me sa fb Janely corla search mo sa gumawa neto please i need your help

    TumugonBurahin
  24. ano ang pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang uri ng panitikan ?

    TumugonBurahin
  25. Hi, ang galing niyo po. Kayo po ba ay isang guro sa isang di kalayuang pulo? Mahilig po ba kayo sa beef tapa?a

    TumugonBurahin
  26. ano po ba ang ibigsabihin o kahulugan ng akdang patula???

    TumugonBurahin
  27. ano po ba ang ibigsabihin o kahulugan ng akdang patula???

    TumugonBurahin
  28. may mga examples po ba kayu ng prosa o tuluyan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Meron po .. search mo sa google :D

      Burahin
  29. salamat po naging madali ang homework namin

    TumugonBurahin
  30. Salamat dito ah... naka survive na naman ako HAHAHAHA

    TumugonBurahin
  31. comic sans + blue white color. talino HAHAHAHAHAHAHA

    TumugonBurahin
  32. Ano po ba ang kahulugan ng akdang patula?

    TumugonBurahin
  33. Thankyou dito.. Anlaki ng naitulong nito sa akin

    TumugonBurahin
  34. ang dami kung nalaman thank you for this

    TumugonBurahin
  35. Salamat po dito ang laking tulong sa pag-aaral ko.

    TumugonBurahin
  36. salamat sa gumawa nito ang laking tulong para sa assignment ko ... ituloy mo lang po para marami kang matulungan

    TumugonBurahin
  37. Tapos nadin assignment ko, salamat dito :)

    TumugonBurahin
  38. Salamat ate. Nakatulong ka ng marami😊

    TumugonBurahin
  39. TOTO Classic Titanium White Paint & Handmade Co.
    TOTO ford fusion titanium for sale Classic Titanium White Paint & Handmade titanium max Co. has titanium or ceramic flat iron the finest in black titanium fallout 76 hand paint and handcrafted custom made artworks from genuine winnerwell titanium stove bronze.

    TumugonBurahin