Hanapin ang Blog na Ito

Lunes, Hunyo 10, 2013

Buod ng " Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez

BUOD NG "LUHA NG BUWAYA'
ni Amado V. Hernandez

Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si Donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Badong ang tagapayo nito.

Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nakakuha sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Badong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw. Isang gabi, lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan.

Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng  alta presyon at naging paralisado nang maatake. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata. 

Namanhikan si Badong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.

Linggo, Hunyo 9, 2013

Sa Aking Kabata

SA AKING KABATA 
Jose P. Rizal

Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika.




Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang Kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.


Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.


Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.


Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.


Ang salita nati'y huwad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra
Na kaya'y nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.




Biyernes, Hunyo 15, 2012

Ipinagmamalaki ko Ito!: Elemento ng Tula

Ipinagmamalaki ko Ito!: Elemento ng Tula: ELEMENTO NG TULA 1. TEMA - Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayaniha, kalayaan,            ...

Panitikan, Akdang Tuluyan, at Akdang Patula

Filipino sa Ikatlong Taon

PANITIKAN- ay isang nakasulat na kasaysayan ng lumipas at kasalukuyang panahon na isinusulat ng makasining na pamamaraan, tungkol sa buhay ng tao, karanasan, pag-ibig, pananampalataya, tradisyon at iba pa.

URI NG PANITIKAN

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.


MGA AKDANG TULUYAN

1. NOBELA - isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.

2. MAIKLING- KWENTO - salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang pangyayari sa kakintalan.

3. DULA - itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.

4. ALAMAT - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. 

5. PABULA- mga salaysayin ding hubad sa katotohanan na ang mga tauhan ay mga hayop. Ang la
yunin ng pabula ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at kilos.

6. ANEKDOTA - mga likhang - isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

7. SANAYSAY - ito'y nagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.

8. TALAMBUHAY- isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

9. BALITA - isang paglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga 
                     industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.

MGA AKDANG PATULA

APAT ( 4 ) NA URI NG TULA

1. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay  tulad ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga bayani.

    A. EPIKO - nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao na hindi kapani-paniwala at puno ng kababalaghan

       halimbawa: Indarapatra at Sulayman, Biag ni Lam-ang

    B. AWIT at KURIDO- tungkol sa mga paksang may kinalaman sa mga dugong bughaw na ang
         layunin  ay palaganapin ang Kristiyanismo na dala ng mga Kastila.
              
            halimbawa: Ibong Adarna 

    C. BALAD- tulang inaawit habang may nagsasayaw . Ginagawa ito noong matagal na panahon.

2. TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.

     A. AWITING BAYAN - awitin na inialay sa bayan.

                         halimbawa; Bayan Ko, Magkaisa, Bahay- Kubo

     B. SONETO - nagtataglay ng mga aral sa buhay. May labing - apat na taludtod. Ang nilalaman
 ay tungkol sa damdamin at kaisipan.

     C. ELEHIYA - tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.

     D. DALIT - ito ay tulang pagbibigay pugay sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
         - nagsisimula bilang awit tungkol sa relihiyon.

      E. PASTORAL- tula na tungkol sa buhay sa bukid.

      F. ODA- ito ay pagbibigay pugay sa nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

3. TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.

                   A. KOMEDYA -

                   B. MELODRAMA -

                   C. TRAHEDYA -

                   D. PARSA -

                   E. SAYNETE -


4. TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.

                   A. KARAGATAN -

                   B. DUPLO -

                   C. BALAGTASAN - 



Elemento ng Tula

ELEMENTO NG TULA

1. TEMA - Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayaniha, kalayaan,
                   katarungan , pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba.

2. TUGMA - Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.

3. SUKAT - bilang ng pantig sa bawat taludtod. 

                     URI NG SUKAT

                   A. WAWALUHING PANTIG
                   B. LALABINDALAWAHING PANTIG
                   C. LALABING- ANIMANG PANTIGITO
                   D. LALABING-WALUHING PANTIG

4. IMAHE O LARAWANG- DIWA - itinatawag itong IMAGERY sa ingles. Ito ang mga salitang kapag  binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

5. PERSONA - tumutukoy sa nagsasalita sa tula.

6. TONO - ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, naglalahad at 
 natuturan.

7. SIMBOLISMO - ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng mga mambabasa.


Huwebes, Hunyo 14, 2012

Ipinagmamalaki ko Ito!: My Picture Slideshow & Video

Ipinagmamalaki ko Ito!: My Picture Slideshow & Video: My Picture Slideshow & Video : TripAdvisor™ TripWow ★ My Picture Slideshow ★ to Davao. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor

Sabado, Pebrero 25, 2012

My Picture Slideshow & Video

My Picture Slideshow & Video: TripAdvisor™ TripWow ★ My Picture Slideshow ★ to Davao. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor